GORDON TO GO

“Where did the billions go?”

By Senator Richard Gordon

(Speech delivered in response to the privilege speech of Senator Bong Go, Aug, 31, 2021)

I really am sad na napunta tayo rito sa malungkot na sitwasyon. It has come to this. More than anything, gusto ko lamang ipagtanggol ang dalawang institusyon na idinamay pa ngayon ang isang institusyon that I have been serving for 53 years and that my mother has served ng animnapu’t tatlong taon. Halos araw-araw po, tumutulong po tayo, hindi ko ipinagmamalaki iyan.

Pero, okey na lamang ho iyan, basta ang gusto ko lamang sabihin ay iyong tungkol doon sa Red Cross para matapos na kaagad iyan.

Alam naman ninyong lahat, kilala ninyo ako, alam ninyo na nagsisilbi ang Red Cross at alam ninyo, hindi po ako lumapit sa gobyerno; ang gobyerno ang lumapit sa amin—sina Secretary Duque, sina Secretary Lorenzana, mga kasama ninyo.

Hindi kita nakita roon; ang nakita ko ay si Lorenzana; si Año; iyong kasama ninyong taga-Davao, Nograles; nandoon lahat iyan.

At ang sabi, “Kayo ang may solusyon, may makina kayo. Sa amin ipapasa, kami na ang magpapasa sa inyo.”

Hindi po ako humihingi ng kontrata, pinagawa kami ng kontrata at hindi ako pumirma doon dahil, wika ko, dapat talaga ayusin iyan, so, wala akong problema riyan.

Mr. President, dapat dalhin natin ito sa komite na dapat pagdalhan, iyong sinasabi niyang panay personal, ano po.

 Ang sabi ko lamang po, bakit naman, Mr. President, our President, hindi dapat niya ipagtatanggol iyong nangungulimbat. Baligtad po ang nangyari-iyong Commission on Audit, a constitutional body, sinaltik ng Presidente at sinabi sa tao na, “Huwag ninyong pakinggan ang COA. Mali ang COA.”

Mr. President, ang COA ang timbang. Kung nasaktan sila, sagutin nila. Huwag nating sirain ang institusyon ng Commission on Audit.

 In fact, tatlo po ang committee ko. Naiintindihan ako ng pangulo ng Senado na tatlo ang committee ko-chairman ako ng Blue Ribbon Committee, chairman ako ng Justice and Human Rights Committee, at ng Government Corporations and Public Enterprises.

 Nag-aral po ako sa Maynila pero Olongapo pa rin po ang bayan ko, at maraming mahirap na tao ang nagpupunta roon para magkaroon ng kabuhayan, at nailigtas naman po natin iyang Olongapo.

Hindi ko na po pupuntahan iyong iba pa-sa CREATE-dahil magugulo lamang ang issue.

Let us just focus on the issue. And on this, I will close, Mr. President.

Titirahin ang Senado; titirahin ako; not even man enough to speak in the third person na dapat kapag nagsalita tayo rito, we speak “the gentleman from Zambales, the gentleman from Davao.”

You speak to me as if, you know, you have been a veteran of this Senate. I am not going to refer this on a person-to-person, you against me.

I will just say this: “You made your bed, you sleep on it.” Hindi ko sinabing masama ang mga taga-Davao. Marami akong kaibigan diyan. Nag- aaway kami, kung minsan, ni Sonny Dominguez, but I respect him.

Bakit naman napunta bigla roon sa Ombudsman? Iyong isa, executive director, iyong isa sa L, at iyong isang L ay pupunta naman sa Ombudsman ng Mindanao, si Lo. Si Lao, si Lo, at saka si Leung.

May sama ng loob ang ginoo from Davao, there are rules in the Senate that he can go to. But this representation and the Blue Ribbon Committee will not be distracted.

So, again, the final question is… I will pray for the President for wisdom, fairness, and justice. I will pray for all our colleagues that we do this firmly and fairly.

And the only question that remains, sayang naman po kung papabayaan natin iyong bilyong-bilyon na pera na mukhang naimpluwensiyahan ng mga tao natin riyan dahil natatakot tayo na mag-imbestiga dahil kayo ay taga-Davao.

Ang puwede magpakulong ay iyong mahistrado. Kaya iyong imbestigasyon sa Blue Ribbon Committee noong mga in-appoint ninyo sa immigration, dalawang taga-San Beda-hindi naman lahat ng taga-San Beda ay masama-mga miyembro ng fraternity ninyo, natapat lang siguro, noong maimbestiga iyan at nakita namin iyong video, kinuha natin, inilalabas iyong pera na hiningi nila roon sa mga Chinese na pumapasok dito. Na-convict po iyan ng life imprisonment.

READ FULL ARTICLE HERE: