By Senator Richard Gordon Chair
Senate Blue Ribbon Committee
(Opening statement at the fifth hearing of the Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations (Blue Ribbon Committee), Sept. 13, 2021, on the Commission on Audit findings on the Department of Health budget, its irregularities and deficiencies, the transfer of P42 billion in DOH funds to the Procurement Service of the Department of Budget and Management, and the Pharmally scandal)
Committee chair Senator Richard Gordon on why the hearings on Pharmally, DOH and the DBM:
This is our fifth hearing, pang lima na po ito, at last hearing, sinayt (cite) po natin sa contempt si Michael Yang, Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Krizle Grace Mago, Justine Darago, Linconn Ong, and they are all here today.
In the last two days, we discovered the following—the last two hearings—and I would like to commend Ferdinand Ferrer, Ferry Ferrer, for having come forward and courageously speaking out in favor of the truth that they were all asked or approached by various officials of the government to retool their companies from computer parts, et cetera, and to make sure that they can make face mask made in the Philippines.
Because of that, it appears that they won a bid where they bidded P13.50 per mask and of 100 million quantities.
Pharmally got P8.8 billion of P42 billion transferred from DOH
Before that, Pharmally had won tremendous amount of masks, and a lot of the money of P8.8 billion transferred to PS-DBM had been spent, a lot of them go into Pharmally. Actually, go into Pharmally. The P8.8 billion go into Pharmally.
Mr. Ferrer invested P250 million to repurpose or retool his factory along with three others, three other companies, to produce badly needed PPE items and as well as masks.
Philippine firms have become the biggest losers, practically, in this procurement system.
In violation of law, you know, nationalistic pursuits in making sure na magagawa ng mga Pilipino iyong hinihiling na mga supply, ay pinagbigyan ng kaunti ngunit lumalabas na pampalubag loob lamang lumalabas sapagkat ang nangyari, ang na-supply lang po ng EMS na pag-aari ng korporasyon nila Mr. Ferrer, ay lumalabas na 25% doon sa presyong natakda na P13.50, and the rest ay talagang pinaghintay-hintay sila at punong-puno raw ang mga bodega ng PS- DBM, at napili sila, na-force sila na ibaba nila iyong presyo to P2.35. Nalugi sila ng lampas ng kalahating bilyon, ang Filipino company.
Tinitignan po natin kung ang mga face masks ay sobrang dami, na-double book po or maybe triple book pa ang gobyerno. Namili nang mahal, nasa bodega karamihan, at pinakalat sa buong Pilipinas, allegedly, because I’m not sure whether they were able to do it.
Government bought high
And at the same time, ang nangyari, ang Pilipino ay namimili, iyong mga hospital natin lang ang gustong makabili ay napilitan, according to the observations of (COA) Chairman (Michael) Aguinaldo, na mapipilitan talagang bumili sila ng mas murang mask na nabibili na at that time to about P5 per mask. Pic of Aguinaldo here
Dahil sa sobra-sobrang dami na inorder, tila lumalabas na talagang they overloaded the market, favoring Pharmally. Na-overload ang market, ayaw na nilang kunin iyong mga produkto ng mga gustong pumasok na ibang mga supplier including the four Filipino corporations that allied themselves para magkaroon sila ng laban sa bidding.
Filpino-owned EMS lost money
It was only in July 2021 when the firm of EMC would finally be allowed to complete delivery of its 100 million masks to the government. Mostly, at a loss, like I’ve said. With the 100 million, 25% or 25 million was supplied at P13.50 from June to November. All the remaining 75% or 75 million were provided at P2.35 per piece.
This meant EMS ended up selling the total amount of mask for a 523.5 million instead of the original contract to supply 100 million masks at 1.35 billion. In other words, sa Tagalog, ay pinasyal lang sila. Kung kayo ay nangangarera—hindi naman ako nangangarera, nariririnig ko sa mga karerista ng kabayo—ay talagang biniyahe lang iyong laban na iyon. Biyahe. Hindi talaga seryoso at may mananalo talaga na, slated na iyon lang ang mananalo.
Duterte protecting Davao boys
However, the President has seemed to protect his Davao boys, almost to the point of inciting to sedition and attacking COA, a constitutional body.
I’m not surprised because I think bilang mayor, medyo ang nakikita ko iyong habit na—ilan lang namang mga mayor—na prinoproteksyunan iyong kanilang mga tao. Kapuri-puri kung tama iyong pagdepensa, pero kung nakikitang mali, dapat tinawagan na nila iyan at sinabihan na nila.
And finally, ang mga Davao boys, including si Mr. Lao, Christopher Lloyd Lao, ay bumitaw sa kanyang tungkulin para mag-apply sa Ombudsman, ngunit biglang umatras dahil mukhang nagkaroon ng kontrobersya.
At isa pa po, nag-apply rin po ang kanyang assistant o kanyang kasama doon sa PS-DBM, nandito po siya ngayon, nag-apply din po siya, at siya ngayon ay Overall Deputy Ombudsman. With all due respect to Mr. Warren Liong, I’m just stating the facts.
And then of course, Anderson Lo, who is also here, tatlo sila, ikatlo siyang nag-apply ngayon sa Ombudsman.
Why the Davao boys wanted Ombudsman job
Nakakahinala po iyong ganyang kilos sapagkat siyempre ang Ombudsman ang siyang protector ng tao na magpa-file syempre, ang Presidente ang protector ng tao; syempre, ang COA ang protector ng tao para hindi malilinlang; syempre, ang Senado at ang Kongreso ay protector ng tao.
Kaya tayo nag-iimbestigasyon ngayon alang-alang sa proteksyon ng tao na nagbayad nang sandamakmak na buwis para magkaroon ng pambili, ngunit ngayon ay talagang nadidyeta sa tinatawag nating ayuda.
Ang ating mga health workers ay hindi nababayaran ng SRA at ng hazard pay, at ang iba pang mga kailangan natin ay hindi napupuno. At bukod doon sa hindi nababayaran iyang mga iyan, nagugutom ang mga tao, ang mga eskwela kulang sa gamit ngayong pandemic at hindi makapagtrabaho ang tao pero ang nabibiyayaan, lumalabas, at insofar ay itong Pharmally.
Why is Duterte protecting Pharmally?
Mr. President, hindi ninyo po dapat proteksyunan iyang Pharmally. You are a Philippine President and you were elected by the country and you must protect the Filipino people. Nakakarinding pakinggan kung magkaminsan pag namamatay ang mga—namamatay sa drugs shootings iyong mga Pilipino na karamihan ay mahihirap halos lahat ay hindi ko naririnig na nag-a-apologize ang ating Pangulo.
Ngunit sa mga Chinese authorities, mukhang nag-apologize nitong kamakailan na napatay iyong apat na Chinese. Hindi po ako Sinophobic, ako po ay Pilipino at lahat tayo po ay Pilipino at iyon ho ang hinaing na naririnig ko sa mga tao, ganoon din dito po. Lahat ng pinoproteksyunan ninyo ay iyong Pharmally at iyong mga kasama ninyo.
At wala akong sinasabing Pilipino sila pero dapat, syempre, malaking advantage na nakakapagsalita sila ng kanilang wika dito ngunit hindi natin sila makausap nang dire-diretsa, pero lumalabas nagkakaroon sila ng passes na gumawa ng katiwalian.
Face shields not needed, not required by WHO
Ang nakuha natin po ay iyong mga face shields. Hindi po kailangan—hindi po inoobliga ng World Health Organization ang face shields at bihirang-bihira ang face shields, ganoon rin po ang CDC.
Lumalabas na ipinilit natin iyang face shields kaya hindi kayo maaaring hindi magtanong sapagkat ang mamahal noong face shields na nakikita natin dito sa mga bidding na ito.
Dapat proteksyunan natin ang tao. Ang tao bumibili—ang dami namang masks, puwede na silang magdobleng masks. Pero face shields even outdoors? Nakakaduda iyan.
It would appear that we are one of the few, if not the only country, who requires face shields. Face shields should be only mandatory in hospitals, in the laboratory and in surgery.
Baka matalsikan ng dugo iyong kanilang mukha at magkaroon sila ng karamdaman na hindi inaasahan.
At mukhang ang isang nakuha rito— at just to correct, sabi ko, noong tinanong ako ng media, sinabi ko na maaaring liable si Secretary Duque for anti-graft, nililinaw ko iyan, dahil nga dito sa double payment of DOH to PS-DBM.
Tinanong namin lahat iyan, bakit kailangang ipasa iyong pera ng DOH na nagkakahalagang P42 billion sa PS-DBM? Ni hindi isang departamento, isa lang section supposed to be under DBM na dapat hinahawakan ni Secretary Avisado, pero mag-isa, lone ranger lamang ang kapangyarihan nitong si Christopher Lao na tuluy-tuloy ang benta ng bilyon-bilyones na halaga para mabigyan iyong mga tinatawag nating hindi mabusog sa kawalang-hiyaan at kabuktutan.
“Salus populi est suprema lex.” The welfare of the people is the supreme law. Iyan po ang ibig sabihin. Ang kaligtasan at kaginhawahan ng bawat mamamayan, lalo na ang mga Pilipino, iyan ang tunay na talagang batas na dapat tangkilikin palagi ng ating bansa.
So far, what we discovered is a very serious affront against the welfare of the Filipino people.
Lahat tayo ay may sinumpaan na proteksyunan ang tao, lahat ng government officials—pulis, sundalo, government officials, barangay captains, lahat. Bakit dito sa pandemic response ay ini-entrust natin sa ilan lamang mga mukha na hindi natin kilala na ngayon lang lumabas ang kanilang pagmumukha?
At the only time lumabas ang mukha ni Christopher Lao ay noong siya ay natanong tungkol doon sa barko ng Philippine Navy na pinakialaman niya rin.
At lumalabas na itong grupo na ito—lumalabas ha, hindi ko pa sinasabing iyan na iyan, who prefers foreign interest over the local interest. Na pinapayagan ang mga tao nating maghirap, magutom at walang pambili, walang ayuda dahil sila ay—ginamit nila lahat ang salapi para ma-overprice at in-overprice iyong goods rather than having the excess money used for ayuda.
Vaccines not enough
Kulang tayo sa vaccines. Sabagay, iyong vaccines ay dapat noong araw pa tayo namili pero ngayon lang lumabas itong exposé na ito, medicines and other good crucial—another crucial, scenarios.
Hindi po ako nagtataka, araw-araw may tumatawag sa inyong abang lingkod na naghahanap ng mga gamot na pambihira at iyan ay hindi natin makuha dahil, unang-una, for emergency use yata iyan so far.
At kung may makikita kami, nire-refer namin sila doon sa mga talagang agaw-buhay na ang labanan—iyan iyong mga Tocilizumab at saka iyong Remdesivir at mayroon pang dalawa. Kailangang hukayin pa po natin ito to uncover the truth sa gayon ay maituwid ang mga mali sa ating bayan.
At bago tayo magpatuloy nang tuluyan, gusto ko lang sabihin sa mga—dahil maraming nagte-text sa akin na mga health care workers na parang naisantabi raw sila. Hindi po kayo maisasantabi sapagkat, katulad nga noong sinabi natin noong mga nakaraang hearing, nangako si Secretary Duque—at kung totoo nga iyong sinasabi niya, mayroon na silang P818 million na ibibigay sa mga health care workers pero ang sinasabi ng karamihan, hindi raw umaabot pa rin sa kanila.
Sinabi ni Secretary Duque, magkakaroon siya ng opisina, and I believe him, na siya ay nagtakda na ng opisina. At sinabi rin sa kanya ng chairman ng COA, sa aking pagtatanong, sabi ng chairman ng COA, dapat maisama iyong mga delikadong nasa ospital kahit na wala doon sa ward sapagkat ang virus ay airborne at wala na talagang COVID ward. Kung tutuusin, lahat nang pumapasok doon madali kang mahawa, dapat mabigyan rin sila ng tinatawag nating SRA or even iyong mga tinatawag nating ibang allowances. At ito ngayon po ang ating kinatatayuan.
Frontline workers neglected
In the past few hearings, we discovered the neglect on the welfare of our frontline people, folks, in our fight against COVID-19—the nurses, the doctors, and other health care workers who are our sentinels in the fight against COVID-19. Their task is very important and certainly very perilous.
Lately, we have heard of the resignation of 10 volunteer doctors from PGH who were doctors from the DOH who were earning ₱50,000 a month.
We quote the statement of Dr. Jonas Del Rosario of the PGH, “Wala naman po kaming masabi dahil nagtrabaho sila sa PGH and their decision to leave ay personal na po iyon.
We honor that. Noong nag- resign, malaking kawalan po sa amin iyon. We have nothing to say because they worked at PGH and their decision to leave was personal. We honor that. When they resigned, it was a big loss for us,” he added.
They got tired
Continuing on, maybe napagod na rin. Maaaring iyong iba nagkakasakit. They probably looked at the PGH, masyadong maraming trabaho. Maybe they got tired, maybe others got sick—I think, that’s a very, not a very fair statement.
Hindi napapagod iyon. They probably looked at the PGH and thought, too much work. I hope that that is not really the case.
Kung ang bilyong-bilyong pondo na nasasayang sa katiwalian sa ating procurement ng mga PPEs, face masks at iba pang gamit laban sa COVID ay nagamit para mabigyan ang ating mga nurses, doctors, at iba pang mga health workers, siguro baka mas maganda ang mga benepisyo nila at hindi na sila kailangan mag-resign.
Dahil dapat talaga, kinompyut (compute) naming, kung iyong perang nawawala ay ginamit na sinuwelduhan mo ang 20,000 people times 50,000 each, ang makukuha talaga, aabot ng mga—baka makakayanan nating bayaran iyan at hindi tayo dapat nagkaroon ng mga katiwalian dito, kung hindi tayo nagkaroon ng mga katiwalian dito.
If our health workers feel that they are fully supported—and they are because of the law that was crafted by the Senate and the Lower House and approved by the President in our fight against COVID—siguro buo ang morale ng ating mga frontliners.
Health workers are losing hope
And I’m just speculating here na siguro nanghihina rin ang loob ng ating mga health care workers. Kaya hindi ko hahabaan ito, lalampasan ko na iyang mga prinepare (prepare) ng staff dito na sasabihin natin.
Ang gusto ko lang sabihin ay talagang nahihirapan tayo dahil lumalakas ang pandemic at ang nangyayari ngayon ay talagang kailangan nating magtulung-tulong.
Pero siguro kung gagawin natin ang dapat gawin at sasagutin natin nang mabilis ito at malalaman natin kung ano ang dapat ma-avoid sa mga pangnanasa ng mga ganid at mga ibang tao at matitigilan iyong mga sinasabi pa ng ating Pangulo, na imbes na payagan kaming makapag- imbestiga at galangin ang institusyon—sabi nga ng ating Senate President, “There are institutions in our country,” sinabi ko na rin iyan, iyong Commission on Audit, iyan ay tagabantay ng mga ginagawa ng bawat gobyerno, ng bawat sangay ng gobyerno o ang Senado at ang Kongreso na talagang nagbabantay rin—at imbes na sinasabi sa mga tao na huwag na kayong makinig diyan, ay siguro mas maluwag at mas mabilis tayo.
(When the hearings started), uulitin ko lang—dahil lumapit ang mga nurses. Kasama ko si Senator (Risa) Hontiveros, Senator (Francis) Pangilinan in that meeting na talagang hindi nababayaran iyong kanilang mga allowances, iyong kanilang SRA.
Kaya noong unang meeting (of the Blue Ribbon Committee), nangako si Secretary (Francisco) Duque na gagawan niya ng paraan at magkakaroon pa siya ng opisina na magre- receive ng complaint at maghahanap siya ng pera.
P800 million for health workers
At balita ko nakakuha naman raw ng pera—I have not confirmed yet—na P800 plus million ang nakuha. Pero kulang pa rin. Marami pa ring umaangal na hindi raw nabayaran. Now, that is something that we also tried to do.
And this afternoon, upon the assurances of our fellow senators in our caucus, Senator Zubiri said they will take up the bill that will create an appropriation that we filed with Senator Angara for the health care workers.
View scandal in context
Ang konteksto po natin ngayon, marami ang namamatay, marami ang nagkakasakit, marami ang nagugutom at walang trabaho, walang ayuda at kulang na kulang pa rin sa mga paaralan na makapasok iyong mga bata. Ngayon, sa puntong ito, we can now contemplate na mukhang lumabas na talagang—halimbawa, talagang walang pakundangan na talagang—ni walang tinatawag na “due diligence” ang ginawa nitong mga taga PS-DBM—hindi ko nilalahat—specifically, narinig natin na naging negligent si Mr. (Lloyd Christopher) Lao (former Budget undersecretary and head of the Procurement Service DBM) at ganoon na rin iyong mga kasama niya.
Kaya tatanungin natin mamaya si Mr. (Warren Rex H.) Liong (a Davao lawyer, Lao’s colleague and now overall deputy Ombudsman).
We are not bullying
At ito ho ay gusto naming sabihin kay (Executive) Secretary (Salvador) Medialdea: Hindi po kami nambu-bully rito. Ginagawa po namin ang aming tungkulin. (pix of Medialdea here)
At dahil diyan, napalabas na po natin na si Mr. (Michael) Yang—and I can only speculate—ay talagang tamang ma-contempt because sabi niya noong umpisa wala siyang kinalaman sa Pharmally bukod lamang doon sa pagdala niya sa Pangulo ng Pilipinas. (pix of Yang here)
At sinabi niya rito na 22 years na siya rito, at ang sabi niya, “It is only through the news that he found out about the existence of Pharmally Pharmaceutical.” Mr. Huang Tzu Yen testifies. He is the president of Pharmally Pharmaceutial Corp.