MARCOS JR.’S SENATORIAL COALITION

For progress, for change,
for a better Philippines

(Speech of President Ferdinand R. Marcos Jr., Alyansa
Para sa Bagong Pilipinas Convention, Sept. 26, 2024)

Maraming salamat sa ating Secretary na SAP, Secretary Anton Lagdameo. [Magsi-upo po tayo.]

Allow me to greet the distinguished guests that we have here today and members of the different parties, Senate President Chiz Escudero, the other honorable members of the Senate; House Speaker and Lakas-CMD President Ferdinand Martin Romualdez and the honorable members of the House of Representatives; the political party leaders of the Partido Federal ng Pilipinas, Gov. Jun Tamayo; Nationalist People’s Coalition Secretary Mark Llandro Mendoza; NacionalistaParty Senator Mark Villar; National Unity Party Representative L-Ray Villafuerte Jr.; the honorable members of the Cabinet; fellow workers in government; distinguished guests; ladies and gentlemen, magandang umaga sainyong lahat

No ordinary gathering

Hindi pangkaraniwan ang pagtitipon ngayon dahilito ay pagkakataon para ipakita natin ang kahalagahan ng pagsasama-sama at ng pagkakaisa.

Para sa kaunlaran… Para sa pagbabago… Para sa magandang kinabukasan nating lahat. [palakpakan]

Ang sabi nila, ang halalan daw ay panahon ng:

Pagkakabitak-bitak…

Pagsisiraan…

Pagkakahati-hati.

Subalit kabaligtaran po ang inilulunsad ng atingAlyansa.

Sapagkat ito ay isang kilusang bayan:

Na magbubuklod sa pinakamalawak na puwersang mga nagmamahal sa Inang Bayan…

Na ikakampanya ang isang programangpangkaunlaran na walang naiiwanan…

12 great Filipinos

Na pagsasamahin ang labingdalawang magigitingna Pilipino na may taglay na sipag at galing para maging pinuno.

Tangan ang prinsipyong makatao, maka-Diyos, makabansa.

Titindig para sa interes ng bayan, at sakapakanan at karapatan ng bawat isang Pilipino.

BBM’s wish

Sa aking pag-endorso, ang tanging hiling ko ay mapanatili ang kanilang katapatan at pagmamahal sa bansa.

Ito ang pinakamahalagang katangian ng kandidato na aking tinitignan at pinag-iisipan.

Kaya naman, mga kababayan, ang mgasumusunod na indibidwal ay kilala natin sakanilang kasanayan at sa kanilang serbisyopubliko.

BenHur Abalos

Ang una sa ating hanay ay matagal na nagingalkalde ng progresibong lungsod ng Mandaluyong.

Hinalal din siya bilang Kongresista. At ngayon, siya ay ang maagap at mabisang Kalihim ng DILG.

Mga kababayan, ang ating Mr. Gawa Hindi Salita… Secretary Benhur Abalos! [palakpakan]

Abby Binay

Ang susunod naman ay… sumabak din saKongreso. Wala sa polyeto ang pruweba ng kanyang kagalingan; nasa lungsod na mahusayniyang pinamamahalaan.

Mga kababayan,…Mayor Abby Binay! Hindi Pwede Ang Pwede Na, Dapat Better! [palakpakan]

Pia Cayetano

Ang susunod naman po ay kinikilala po natin naCompanyera. Siya rin po ay walang-pagod nakampanyera para sa kalusugan ng mamamayan, edukasyon [ng] kabataan, [at] karapatan ng mgakababaihan.

She is a lawyer, an economist, athlete, and a mother… Senator Pia embodies what it means to be a Pinay in Action. Mga kababayan, Senator Pia Cayetano! [palakpakan]

Ping Lacson

Ito naman ay isang officer and a gentleman natapat at buong tapang na naglingkod ng lampaslimang dekada sa taumbayan. Anuman ang kanyang sasabihin at gagawin, ito ay lagingnakaangkla sa motto ng kanyang alma mater – Courage. Integrity. Loyalty.

Isa po siya sa tunay na nagsasabuhay samensahe ng aking SONA: Ang Tama ay Ipaglaban, Ang Mali ay Labanan. What is Right Must Be Kept Right, What is Wrong Must Be Set Right. Mga kababayan, Senator Ping Lacson! [palakpakan]

Lito Lapid, the Supremo

Sanay ring mambabatas ang susunod sa ating line-up. Nahasa bilang Bise-Gobernador nangayon ay nasa Senado. Naging Gobernador din ng lalawigan niya ng Pampanga.

Mga kababayan, ang Supremo ng Senado… Senator Lito Lapid! [palakpakan]

Manang Imee

Ang susunod na tagapagtaguyod ng ating bandera ay siya na yatang pinakamatagal kongkakilala sa hanay na ito. Siya ay walang iba, kundiang aking kapatid, ang aking ate, si ManangImee.

Nasa dugo na po namin na manilbihan sa kapwaat ang pagmamahal sa bansa. Nagingkongresista, gobernador, at senador. Sabi rin nilaprangka daw siya. Pero ito ay pagiging prangkasa pagsabi ng totoo at ang pagkikiling sa tama.

Sa kanya sigurado ang kanyang ImeeSolusyon. Mga kababayan, kasama din po natin si Senator Imee Marcos na naunahan na ang mga ibangsenador at busy na na nagkakampanya at hindimakarating ngayong araw na ito. [palakpakan]

Pacquiao world famous boxer

Tanyag hindi lang sa ating bansa, kung hindi sabuong mundo, ang susunod natin ay ang atingPambansang Kamao na nagpamalas ng galingbilang mambabatas.

Mga kababayan, ang Ninong ng Bayan… Senator Manny Pacquiao! [palakpakan]

Bong Revilla

Kilala naman sa marami niyang ginagampanangpapel sa iba’t ibang larangan pero ang pinakamahalaga ay ang pagiging lingkod-bayan: Bise-Gobernador. Gobernador. Pinuno ng Ahensya ng Gobyerno. Senador.

Talaga namang Action Star sa Pelikula, Action Din sa Tunay na Buhay. Mga kababayan, Senator Bong Revilla! [palakpakan]

Tito Sotto 24 years senator

Ang ating susunod ay nakapaglingkod ng dalawampu’t apat (24) na taon bilang Senador; kasama natin sa paglalakbay tungo sa maaliwalasna bukas.

Mga kababayan, hindi na po nangangailangan ng introduction… Ang dating Senate President Tito Sotto! Maaasahan ng Pamilyang Pilipino. [palakpakan]

Francis Tolentino

Ito naman ang big brother na iyongmasasandalan. Naging mayor ng Tagaytay, punong MMDA, ay ngayon naman ay senador.

Mga kababayan, Senate Majority Leader Francis “Utol” Tolentino! ‘Tol ng Bawat Pilipino! [palakpakan]

Erwin Tulfo

Ang susunod kong ipapakilala sa inyo ay isangpublic servant na noon ay madalas kongmasabihan na ama ng saklolo kasi ang unang bukambibig ng mamamayan ay “i-Tulfo mo.” Nanilbihan bilang kalihim ng DSWD na ngayonnaman ay miyembro ng Kongreso.

Mga kababayan, Congressman Erwin Tulfo! Kakampi ng Inaapi! [palakpakan]

Camille Villar a new voice

Ngayon, ang aking ika-labingdalawa sa hanay ng nagpamalas ng husay sa pamumuno hindilamang sa pamahalaan, kundi pati sa mga kumpanyang nagbibigay serbisyo sa ating publiko.

Mga kababayan, Deputy Speaker Camille Villar, Ang Bagong Boses Para sa Bagong Bukas! [palakpakan]

‘Ika nga, may kanya-kanya tayong abilidad para mapabuti ang ating bansa.

Let us unite

Ngunit, kung tayo ay sama-sama, nagbubuklod-[buklod], mas mapapadaling matupad ang atingmga adhikain para sa isang mas magandangbukas.

Nasabi ko na rin dati na marami tayong sanay at hasa sa serbisyo publiko. Hindi na po ito bago saatin.

Eight veteran senators

Walo po sa ating hanay ay beterano na Senador: Cayetano, Lacson, Lapid, Marcos, Pacquiao, Revilla, Sotto, at Tolentino.

Seven experienced congressmen

Pito ang may karanasan sa Kongreso: Abalos, Binay, Cayetano, Marcos, Pacquiao, Tulfo, at Villar.

Lima ang nahasa sa lokal na pamahalaan: Si Imee sa Ilocos Norte. Lapid sa Pampanga. Revilla, Cavite. Binay sa Makati. Tolentino ng Tagaytay. Tito Sen bilang Vice Mayor ng Quezon City.

Four former cabinet men

Apat din sa kanila ay nagsilbi bilang miyembro ng Gabinete: Abalos sa DILG. Tulfo sa DSWD. Lacson ng Yolanda Rehabilitation Commission. Tolentino sa MMDA.

Geographical balance

Pagdating naman sa geographical representation, dalawa ang taga-Mindanao: Pacquiao ng Bukidnon, Sarangani at GenSan. At si Erwin naman ay lumaki sa Davao Oriental at sa Sulu.

Bukod pa roon, ang unang Vicente Sotto ay naging senador ay taga-Cebu. Ang nanay namannamin ni Imee ay 100 percent Waray.

Three biggest regions represented

At ang tatlong malalaking rehiyon ng GitnangLuzon, Kamaynilaan, at Timog Katagalugan ay may boses sa ating koponan.

Mga kababayan: Sila po ang line-up ng Alyansa. [palakpakan]

Quality, experience, confidence

Sa kanilang kalidad at karanasan mataas ang aking kumpyansa na sila ay ating magigingkatuwang sa ating pagsulong at sa patuloy napag-unlad ng ating bansa.

Atin po sila ay samahan at suportahan.

Mabuhay po kayo. Mabuhay ang ating line-up. Mabuhay ang Bagong Pilipinas. [palakpakan]